SUGAT

 
 
 
Sabi nila, ang tahanan daw ay parang isang bukal na nag-uumapaw sa pag-ibig at pinagmumulan ng ginintuang kapayapaan. Pero paano kung sa panahong mas nangingibabaw ang galit at pagkamuhi, kabi-kabila ang walang kapararakang paglapastangan sa karapatang-pantao, sa panahong walang humpay ang karahasan at mas nananaig ang kawalang-katarungan, saan mo ngayon hahagilapin ang sinasabi nilang ‘tahanan’?
 
 

Lansangan ay humihinhin
Kirot ng kahapon, ’binulong ng hangin
Luha agad namalisbis
Punum-puno, batang puso ng panangis.

Hindi isang pelikula.
Nakakikilabot. Mata’y nanghuhusga.
Bang! Pulang likido: Nanay.
Do’n sa’min sa Midsayap, ang gabi’y lamay.

Tatay, tumakas. May baril.
Lungkot, ‘di kaya ng luhang butil-butil.
Sikmura ay kumakalam
‘Di na napigil si Bunsong magpaalam.

Rugby, ginawang panakip
Sa dibdib na napupuot, nagsisikip.
Kasiyahan, damang-dama
Sa piling ng panandaliang pantasya.

Sa’king dasal ay pangarap
Noon pa: isang mundong mapagkalinga;
Na sa puso’y may susulyap
Ngunit tila Siya ay nahihimbing pa.

Luhang hiram, sana’y sapat
Upang sa pagtataka’t galit ilapat
At nang maibsan na lahat
Tuluyan nang maglaho ang mga lamat.

Ikaw, para mo nang awa
Ngayo’y kinakapos na itong hininga.
Mga sugat ay hilumin:
Pakiusap, ako ay iyong yakapin.

——————————

 

Ito ang aking opisyal na lahok para sa Saranggola Blog Awards 5.

Saranggola 336x280

dmci homes logo

 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s